Menu

Ang paghahanda sa Sunog ay sa Inyong tahanan Simulan.

1. Pahalagahan ang buhay at ari-arian
– Ugaling bantayan ang mga niluluto lalo na ang mga pinipritong pagkain. Siguraduhing wala ng apoy ang kalan bago lumabas ng kusina.
-Kapag napansin na umuusok ang mantika sa kawali o anumang lutuan, agad na patayin ang kalan at hayaang lumamig ng bahagya bago simulan ang pag luluto.
-Iwasang buhusan ng tubig ang piniprito kung sakaling ito ay umapoy. Takpan agad ito ng basahang tela o basahan.

2.Maging maingat sa inyong mga electrical connections
-Pangunahing sanhi ng sunog ang OVERLOADING , butas o gasgas sa mga wires, maluwag na switch o receptance , over heated na wire at saksakan at maging mantika na maaring makapasok dito.
-kumpunihin ang anumang sira sa mga koneksyon at huwag nang gamitin pa ang mga appliances na depektibo, Patingnan ang inyong mga electical wirings sa lisensyadong electrician kada apat na taon.
-Maging mapagmatyag , ang sumusunod ay ilan sa mga palatandaan na maaring pag mulan ng sunog-
*Patay sinding ilaw
*mga sparks sa mga koneskyon
*pag init nang wire, plug o outlet
*pangangamuy sunog sa tuwing isasaksak
*pag usok at palagiang pag TRIP nang mga circuit breakers.
-ang biglaang pagbalik ng kuryente matapos ang mahabang brownout ay maari rin magdulot ng “over voltage” kapag nakabukas ang inyong linya

3. Maging maingat sa paggamit ng kandila
-patayin ang kandila pagkatapos gamitin
-huwag ipatong sa karton, plastik o kahoy ang mga nasindihang kandila. Ilagay ang mga ito sa lugar na madaling mapansin at makita.

4. Palaging inspeksyonin ang hose ng inyong LPG upang malaman kung may butas o gasgas na maaring maging sanhi ng singaw “leak”. Siguraduhing naksara/naka-patay ang regulator ng tangke pagkatapos magluto, bago matulog o umalis ng bahay.

5. Kung sakaling masunog o mag-apoy ang hose ng inyong LPG, HUWAG MATARANTA! takpan nang basang tela ang bahagi na nag-aapoy at mabilis na isara ang regulator ng tangke.

ALAMIN ANG TAMANG PAGGAMIT NG FIRE EXTINGUISHER

PASS

P-Pull the pin in the handle
A-Aim the nozzle at the base of the fire
S-Squeeze the lever slowly
S-Sweep from side to side
TANDAAN:
Paghanda sa sunog ay sa inyong tahanan simulan
823 1773
09284587586

Gen Alforque/ PIRO – CIO
Panabo City Bureau of Fire and Protection

Categorized in Featured

Related Posts