Menu

Kinagalak nang Lungsod ng Panabo ang pagbisita ng Provincial Government of Benguet (PGB) sa pangunguna ni Vice Governor Ericson L. Felipe kasama ang mga board members, provincial department heads, at provincial staffs upang tukuyin ang mga best practices ng LGU Panabo tungkol sa ‘Crafting of Ordinances’ o pagsasagawa ng mga batas at palatuntunin na magbibigay gabay sa lungsod na maaari nilang gawing batayan sa Benguet.

Bilang kinatawan ni City Mayor Jose E. Relampagos, andoon si City Administrator Pedrito A. Misoles upang samahan at ipaalam ang dapat na mga gagawin tungkol sa mga ordinansiya at mga proseso nito. Kasama si City Vice Mayor Banjong Dujali III bilang ama ng Sangguniang Panglungsod (SP) na abala sa pagsasagawa at pagpapatupad ng mga batas kasama ang kanyang mga kawani sa SP.

Napasyal din ang PBC sa Agriya, isang tourist spot na makikita sa Panabo City, nakisalo sa pagdiriwang ng ‘Ginang-gang Festival’ o inihaw na saging, at dumalo sa Binulig Festival Night na naganap noong Oktubre 12, 2022 sa Panabo City Gym, Ground.

Taos pusong nagpapasalamat ang mga kawani sa City Government of Panabo sa lahat nang mga dumayo at nagbench mark sa LGU Panabo kung saan nagpapahiwatig lamang ito na patuloy ang pag-angat nang pamamalakad dito sa kasalukuyang administrasyon.

Kasama sa paglilibot sa mga nasabing lugar ang mga konsehal na sila Janno Paolo P. Gentiles, Engineer Ronald L. Ang, Sherlou F. Bangoy, Christian Leander M. Dujali, Ian Rolet A. Catalan, Attorney Jamail Lunar G. Macla, at Omar P. Ranain. Kasama rin si Department Head, City Agriculturist Samuel N. Anay.

✍️Dolly Amag, CIO-Panabo
📷F. Paculanang, CIO-Panabo

Categorized in Featured , News Release

Related Posts